subukan ko langü
haha..ü
11.47am. 04/04/07 [nagsimula akong umupo at humarap sa computer namin na nanabik na naman na mag-init]
simulan ko ang aking session [inuman ba?] sa pakikinig ng mga kantang ako lang nakakarelate ng hindi
ko alam kung ano ang trip kong pakinggan, nagpapakasenti ako pero nasisira ang mood ko pano ba naman ung
sinag ng araw eh diretsong tumatama sa mukha ko.
[pagpasensyahan niyo kung wala kaming venetian blinds. tanga ang pamilya namin at hindi namin naisip na bumili ng mga ganyang bagay sa bahay.]
at san ka ba naman nakahanap ng taong mag-eemote ng katanghaliang tapat! napka-abnormal na bata!
kung kelan ba atakihan ng pagiinarte eh. ganon talaga.ü
at matapos ang pakikinig ng mga kantang ewan eh tsaka ko lang naisip na mag-internet.
unang tinignan ang e-mail address. titignan kung may mga nag-add ba sa akin sa friendster, kung may bagong testi ba, at kung ano-ano pang pedeng pumasok sa e-mail add. ko.
at ayon. may 2 bagong testi.ü nasabik ako nung makita ko un at agad agad ko nang binuksan ang friendster account ko. laking gulat ko ng binuksan ko ang mga testi sa'kin.
2 mensahe lamang na hindi naman halata na sila mismo ang nagsulat ng mga ganong bagay. [in short copy paste lang]. nanlumo ako dun at akala ko pa naman ay may magsasabi na naman sa akin na ako'y ganyan, ako'y ganito, ako'y di ganyan, ako'y di ganito. MGA BAGAY NA LALONG NAGPAPABILOG NG UTOT KO. pero xmpre TESTI parin yan. kaya sige, approve lang nang approve.
panandaliang nawala ang kaligayahan ko. dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa pagtanga sa harap ng computer. sinubukan kong bumisita sa ibang websites, sa yahoo, sa google, sa youtube, sa multiply,
sa [ilagay dito ang alam na websites basta hindi porn].
makalipas ang ilang oras ng pag-iikot sa mga samu't saring websites na alam ko, nanlumo ulit ako.
hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.
biglang naiba ang trip ko.
sinubukan kong magbasa ng mga BLOGS ng mga klasmeyts ko.
nakakamangha ang mga BLOGS nila.
kasi bukod sa napakamalikhaing disenyo ng kanilang mga BLOGS, eh magaganda din ang kanilang sinusulat.ü
mga kung anu-anong bagay na trip nilang ilantad sa mga magbabasa ng blog nila pero makabuluhan din.ü
sabi nga ng isang kong klasmeyt na itago na lang natin sa pangalang "KARLA MAE",
KARLA MAE: "kahit ano pede mong isulat sa blog mo, kasi ikaw naman ay may-ari niyan. wala silang karapatan na mangialam sa isusulat mo dahil ikaw ang masusunod. mga dakila lang silang mambabasa, kung nakikialam sila eh di gumawa sila ng sarili nilang blog. WALANG PAKIALAMAN."
oo nga naman. malaki ang patama niya sa mga taong nakikibasa lang at iccriticize pa ang mga sinusulat mo.ü
hahahaha..ü nakakatuwa.ü
tinuloy ko ang pagbabasa ng mga BLOGS nila. mejo nahirapan ako sa pag-intindi sa mga sinusulat nila dahil nasa wikang ingles ang kanilang pinagsusulat. MEJO NAHIRAPAN LANG AKO, ndi ko sinabing hindi ko naintindihan dahil kahit papano nakakaintindi ako. hindi naman ako mangmang noh!
biglang sumagi sa isip ko na, ano kaya kung mayroon din akong ganito, ung tinatawag nilang BLOG?
sa una xmpre naicp ko na mahihirapan ako dahil hindi naman ako mayadong makakapagsulat ng mga entries ko. pero xmpre naicp ko na at least may channel ako para kung may gusto man ako sabihin o maglabas ng komento sa ibang tao eh may paraan ako sa pamamagitan nga ng BLOG.
ikalawa, wala akong dugong manunulat.ü kc iniicp ko rin ung mga bagay na maaaring sabihin ng mga tao sa mga isusulat ko.xmpre walang perpektong bagay sa mundo. maari kang mapuna sa mga bagay na ginagawa mo, maari kang laitin at insultuhin. pero dba sa mga kritisismong matatanggap mo; sa mga insulto; sa mga panlalait; maari nating pagbutihan ang ating ginagawa dahil nga may pumupuna. at ung mga punang ito ang magsisilbing gabay para sa ikagaganda ng mga gagawin natin. sabi nga nila, ang pagsusulat ay hindi kagad namamana o nklgay na sa pagkatao natin. ito ay maaring i-ensayo at pag-aralan.
kaya ito. sinumulan ko na ang paggawa ng BLOG.
sa una maraming pumapasok sa utak ko na pwedeng isulat. pero sa sobrang dami hindi ko naman alam kung pano ko sila sisimulan. nagisip ako ng madaling isulat. ung kayang kaya lang ng utak ko. ung hindi halatang rush.
at eto nga ang naicp ko bilang buena mano sa BLOG ko. sinulat ko kung papano ako nakagawa ng BLOG at ang mga impluwensiya ng ibang tao sa paggawa ng aking kauna-unahang BLOG.
TAGALOG ang napili kong lengguwahe sa aking BLOG kc dto ako komportable. ayoko ko kcng ipilit ang srli ko na mag-ENGLISH kc d nmn ako mxdong bihasa dun. pero susubukan ko ring magsulat sa ENGLISH pero cgro pag tnmaan lang talaga ako ng sipag. ipanalangin nio rin na sana hindi ako duguin dito habang sinusulat yun. hahaha..ü
hindi madaling magsulat lalo na sa mga perstaymers na ktulad ko. wala naman kc akong training sa pagsusulat. pero cgro eto na rin ang mgandang epekto ng pagkakaroon ng BLOG. kung baga, eto na rin ang magsisilbing training ground ng mga ngffeeling, magffeeling at feeling writers na. nkktuwa at exciting tlga.ü wala naman cgrong msama mgtry dba?!
subukan ko langü
wala naman mwwla sa akin eh.ü
mgandang araw sa inyong lahat.ü
11.28am 04/05/07 [natapos ang kauna-unahang entry sa blog. umalis muna ako panandali at tinignan ang package ni tita galing US.]