4.08.2007

pinulot ko c ermatz.ü

napulot ko sa blog ni karla na kinuha niya kay 'lagsh' (fc). nakakatuwa :D

ermatz: napanood mo ba sa magpakailanman yung mga rapper?
lagsh: dice & k9? oo.
ermatz: yung mga kumanta ng sashimi.
lagsh: itsumo.
ermatz: oo, yun. asawa pala nung babae (hi-c) yung lalaking maliit (dice). ang ganda niyang babae pinatulan niya yung pangit na yun.
lagsh: e ba't ikaw pinatulan ni papa?
ermatz: magtigil ka nga. inaalok akong ms. philippines noon pero feeling ko pangit ako nun.
lagsh: follow your feelings.

lagsh: ma, gawa mo ako ng juice.
ermatz: ikaw na, pagod na ako. bata pa lang ako naglalaba na ako ng damit namin. naglilinis na ako ng bahay. ang laki-laki ng bahay na matanda natin sa porac, nililinis ko nang buong araw iyon noon. 19 years old pa lang ako nagtatrabaho na ako. ako na ang nagpapa-aral sa sarili ko. honor student pa ako noong hayskul. e kayo?
lagsh: ma, gawa mo ako ng juice.
ermatz: ay ayoko. ikaw na.
lagsh: gawain ba iyan ng isang mabuting ina?

1 comment:

mil said...

hanif!tindi nito...natawa ako