4.07.2007

put another dime in the jukebox beybi.ü

isa akong music lover.ü
alam yan ng mga kaibigan at kamag-anak ko.
alam na alam ko lahat ng latest na kanta ngayon.
alam ko rin kung anong kanta ang no.1 sa mga countdowns.
karamihan din ng mga kanta ngayon ay alam na alam ko ang mga lyrics.
may nakpagsabi na nga sakin na pwede na daw akong maging honor student kung sa kantahan lang ang paguusapan.
na-appreciate ko naman ang mga cnbi niya kahit alam kong lahat ng iyon ay isang malaking pambobola lang.
natuwa na lang ako.ü

pero dahil nga sa marami rin akong alam na lyrics ng kanta, may mga kanta rin na talgang tumatatak sa utak ko.
eto ung mga lyrics ng kanta na may kulay. hindi ko maiwasan na mapaicp at bigyan ng kulay ang mga pinagsasabi ng mga singers na kumakanta ng mga ganito.
ndi ko naman maiwasan na masisi sila sa mga kantang kinakanta nila kasi nga trabaho lang nila ang mag-interpret ng mga pinagsusulat ng mga kompositor na hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip nila. pero sabagay, karamihan sa mga alam kong songs na may kulay sa pandinig at isip ay xa pang talagang tinatangkilik ng mga tao at nangunguna sa mga countdowns.
iniisip ko rin ang impluwensiya ng mga singers na kumakanta nito kaya naman patok na patok ang mga kanta nila. at siguro din kung maganda talaga ang melody at talagang catchy ang tune eh siguradong swak sa panlasa ng masa ang mga ganitong kanta!

bibigyan ko kayo ng mga kanta na hindi niyo lang siguro nahahalata na may PAHIWATIG na hindi ko alam kung ano at sino ang pinapatamaan:

example no.1:

How come every time you come around
My London London Bridge wanna go down
Like London London London wanna go down
Like London London London be going down like


-LONDON BRIDGE (Fergie)

fergie, bakit babagsak ang london bridge mo?
kelan kpa ngkaroon ng london bridge sa katawan mo?
at anong meron sa taong lalapit sayo na magpapabagsak ng london bridge mo?
mukhang kakaiba ang london bridge mo ah!
nakakamangha ka talaga!

example no.2:

Oh, you touch my tralala
la la la..
mmm, my ding ding dong,
oh you touch my tralala,
mmm, my ding ding dong.
la la la..


-DING DONG SONG (Gunther Levi)

huh?! ding dong? ding dong? ding dong?
tralala? ano ang tralala mo at naiindak kapa pag hinahawakan yan?
at parang feel na feel mo pang hawakan yan!
my ding ding dong? doorbell ba?
naguguluhan talaga ako sayo. magsama kayo ni fergie, pareho kayong may sapi!
hindi ko alam kung anong mga nakakabit sa katawan niyo at ganyan ang mga reaksyon niyo.

example no.3:

Don't ask why
Don't be shy
Touch their bum
This is life


-CHEEKY SONG (TOUCH MY BUM) (The Cheeky Girls)

kung ikukumpura ko kayo kay fergie at gunther levi, diretso kayo magsalita.
yan ang gusto ko, kung may ssbhan ka diretsuhin mo na. wag ka ng gumamit ng
kung ano-ano pang bagay para sabihin kung ano talaga ang gusto mong iparating.
sbagay, wla nmng batas na pinagbabawal na hawakan ang p*w*t ng ibang tao, dba?
pero ndi pa ako tanga para gawin un!
at parang iniinspired niyo pa ang mga tao na hawakan ang mga p*w*t ng iba,
susmaryosep! ang lumalabas tuloy tnturuan niyo pa ang mga tao na maging imoral!
wag ganun.ü hahaha..ü

No comments: