5.13.2008

random thoughts.

mabilis lang toh.

*gusto kong maging HEALTH CONSCIOUS.
+gusto ko pa kasi humaba pa ang buhay ko.
kailan ko lang narealize na kailangan ko rin palang alagaan ang sarili ko.
kasi gusto ko pang mabuhay ng matagal.
so, instead of ** cups of rice in a day, siguro mga 5 na lang.
more nutritious foods, fruits, vitamins, exercise.
hindi na talaga ako kakain ng taba ng baboy. promise!
kasi kapag nakakain ako nun, parang naggratify ang kaluluwa ko.


*gusto ko ata MAGPALIT NG RELIHIYON.
+hindi naman sa walang kwenta ang ispiritwal na buhay ko sa pagiging
katoliko pero ang naiisip ko lang siguro mas mapapalalim at mas magiging tight
pa ang ugnayan namin ni God kung magpapalit ako ng relihiyon.
siguro hindi ko lang nagagawa ang mga obligasyon ko bilang katoliko kaya naiisip
ko ang mga bagay na toh.
ang weird ko talaga.:D


*gusto ko ng TUMAYO SA SARILI KONG PAA.
+ayaw ko ng umasa sa ibang tao sa lahat ng mga kailangan ko sa buhay.
nahihiya na rin kasi ako sa ibang tao lalong lalo na sa mama ko sa walang sawang
pagsuporta sa lahat ng luho ko sa buhay.
gusto ko ng magtrabaho, kumita ng pera at tumulong sa iba.


*gusto ko ng MAGPASUKAN.
+wala lang ako magawa kaya gusto ko ng pumasok.
pero pag may pasok na gusto ko naman magbakasyon.
ang gulo noh?!
pwede bang magsabay na walang pasok at may pasok?
parang mas magulo ata kapag ganoon ang nangyari.


PAHABOL:

HAPPY HAPPY BEERDAY KARLA MAE!
binatang binata ka na!
pahingi ng pautot ni tita alma!:p
tsaka pa-kiss ng BROAD ASS mo!
gahd! kadiri ako.
sorry naman.:D

No comments: