5.30.2008

house hopping

YES.
HOUSE HOPPING TALAGA.
7 times na kaming palipat-lipat ng bahay.:D

mama ko lang naman ang may gustong lumipat kami.
siyempre, may magagawa ba ako?
alam mo naman na hindi ako sumama.
hindi ko nga alam kung may ka-kumpetensya ang mama ko sa paglilipat ng bahay.
balak pa ata karirin ang GUINESS. [hahaha!:p]

pero namana ko rin ata sa kanya ang hobby ng paglilipat ng bahay.
sa kaalaman niyong lahat, naka-5 lipat na rin ako ng boarding house sa manila.
nung first year ako, nka-4 na lipat ako.
naging stable lang ang boarding house hopping ko nung 2nd year.
at ngayon, maghahanap na naman ako ng bagong bahay bago magpasukan.
bale, 6 na lahat! [hahaha!:p]

hindi na ako napapagod maglipat, sanay na rin kasi ako.
ang medyo nakakalungkot lang ay yung mga tao at bagay na naiiwan ko.
pero napapalitan din naman yun ng tuwa dahil meron na naman akong makikilang tao
at mga bagay na makakasalamuha ko araw-araw.:D
hindi na rin ako nahihirapan mag-adjust sa bagong environment na nililipatan ko, kasi nga
sanay na sanay na talaga ako sa paglilipat.

bukas na nga pala kami lilipat ng bahay.
medyo malapit lang din sa dati namin tirahan ang paglilipatan namin kaya hindi
rin namin masyadong mamimiss ang dati naming bahay.

GOODBYE BUSTOS!
HELLO AGAIN BALIUAG!
[hahaha!:p]

1 comment:

Jed said...

awwwww.

ayos lang yan.
new begginings. :D

jeffy! :P