5.03.2008

umaasa sa isang SLOT!


tapos na ako sa madramang pagdedesisyon sa sarili ko tungkol sa issue
ng pagsshift ko ng ibang course.

tapos na rin ako sa pagkumbinsi sa magulang ko na kailangan kong mag-iba
ng landas kung gusto talaga nila na may mangyari sa buhay ko.

at tapos na rin ako sa matrabaho't nakakapagod na pag-aayos ng mga kailangan
kong requirements sa aking pagsshift.

ETO NGAYON ANG PROBLEMA KO:

+ang pagkuha ng SLOTS.

10 SLOTS lang ang ibinigay ng ECE Department sa mga lilipat sa kanila.
alam kasi nila na maraming lilipat kaya nilimitahan lang nila ang mga
gustong lumipat sa kanila.

...and as of Friday [May 2], 6 na daw ang mga nagpasa ng requirements
para magshift sa ECE. [kasama na ako dun sa 6].

at hindi ako natutuwa dun!
kasi may 6 na kagad ang nagpasa ng mga requirements.
nung April 30 lang kasi nag-open ang ECE Department para sa mga magsshift
sa kanila.

eh ilan na kaya ang nagpapasa ng requirements this week?
next week?
next next week?

AAARRRGGGGGHHHHHH.....

sana talaga may makuha akong slot!

sana talaga!

uurrrrggghhhh...



No comments: